Paciano Rizal: Bayani ng Bayan
Sino nga ba si Paciano Rizal? Ito ang karaniwang tanong ng karamihang mag-aaral ng kasaysayan. Kilala lamang siya bilang nakatatandang kapatid ng pambansang bayaning si Jose Rizal at bilang isang heneral noong panahon ng himagsikan. Ngunit ilan lamang ang nakakaalam ng iba pang tala tungkol sa kanyang buhay. Maging sa Los Banos, kung saan namuhay si Paciano matapos ang himagsikan laban sa Kastila at Amerikano, ay hindi alam na nanirahan siya roon. Dahil sa kakaunti lamang ang nalalaman tungkol kay Paciano, marami ang nagtatanong kung bakit itinuturing siyang bayani ng bayan.
Sa isang panayam noong ika-6 ng Mayo, inilahad ni Prop. Rolando Talampas, dating kasapi ng UP Lupon ng Sentenaryo at guro ng kasaysayan sa UP Manila, ang tungkol sa pagiging bayani ni Paciano.
Ipinanganak si Paciano sa Calamba noong ika-7 ng Marso 1851 bilang pangalawang anak nina Don Francisco Mercado at Do¤a Teodora Alonzo. Sampung taon ang kanyang agwat kay Jose. Ayon kay Talampas, marami ang nagsasabi na si Paciano ay isang taong matapat at may matatag na paninindigang tumupad sa kanyang mithiin. Marami siyang kaalaman kahit hindi niya natapos ang pag-aaral noong kaniyang panahon.
Si Padre Jose Burgos ang naging gabay ni Paciano sa panahon ng kanyang pag-aaral sa Colegio de San Jose at Unibersidad ng Santo Tomas. Likas ang pananaw na liberal, naging biktima siya ng sariling aktibismo. Sa matagal na panahong inilagi niya sa UST ay pinanatili siya sa isang grado o antas dahil sa kanyang mga pagtutol sa pamamaraan ng edukasyon at pagprotesta nang bitayin si Padre Burgos kasama sinaPadre Gomez at Zamora.
Si Paciano ay mayroong sariling ambisyon. Kahit na siya ay tinatawag na "maginoong taga-bukid," mababakas ang kanyang kalinangan sa kanyang mga liham kay Jose. Marunong siya ng Kastila, Pranses, Ingles at Latin, at ilang wikang Pilipino.
Dahil sa kanyang naiambag sa paghubog ng katauhan ni Jose Rizal, naniniwala ang ilang historyador na "walang Jose kung walang Paciano." Si Paciano ang nagbigay ng materyal na suporta kay Jose sa kanyang pag-aaral sa Europa. Siya rin ang humikayat kay Jose na gamitin ang pangalang Rizal at mag-aral ng medisina at hindi abogasya. Ang mga pangaral ni Paciano ang naging sandigan ni Rizal upang siya ay maging matatag.
Nagkasundo ang magkapatid na lilisanin ni Jose ang Pilipinas upang maisulat niya, sa pamamagitan ng propaganda, ang tungkol sa masamang pamumuhay sa Pilipinas. Sa misyong ito, si Paciano ang nagtutustos. Nagkaroon din ng pakikibaka si Paciano tungkol sa lupa nang pangunahan niya ang pagtutol sa pamamalakad ng mga prayleng Dominikano sa lupang kanilang sinasaka sa Calamba. Dahil dito ay ipinatapon siya ng Royal Audiencia, ang hukumang Kastila, sa Mindoro.
Matapos ang pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan, kaagad na tumungo si Paciano sa Cavite upang umanib sa rebolusyunaryong kilusan at dito'y ginawaran siya ng ranggong heneral. Maraming mga pakikihamok ang kanyang pinamunuan at pinagwagian laban sa mga puwersang Kastila. Tumagal ang kanyang pakikidigma hanggang noong 1899 sa panahon na ng mga Amerikano. Noong taong 1900, siya ay lubhang pinahina na ng malaria at siya'y nadakip ng mga Amerikano sa Laguna. Di nagtagal ay pinalaya siya ng mga Amerikano at noon ay ninais niyang manirahan sa Los Banos bilang isang "maginoong taga-bukid."
Ito ang katauhan ni Paciano na marahil ay noong panayam kay Prop. Talampas lamang natuklasan ng ilan. Mayroong siyang angking katauhang gaya ng mga kilalang bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Nag-alay siya ng talino at lakas sa isang maningning na hangarin. Ito ang mga katangiang taglay ng isang bayani ng bayan.
KUYA PACIANO RIZAL, Simbolo ng Pagpapakasakit para sa Layuning Higit sa Sarili?
Si Paciano Mercado, ang kuya ni Jose Rizal, ay isa sa mga mahalagang katauhan sa ating kasaysayan. Ang kanyang kontribusyon sa himagsikan ay ipinakita niya sa pamamagitan ng kanyang mga gawain. Isang tahimik na nagmumunimuni subalit kumikilos para sa kabutihan ng iba.
Ipinanganak si Paciano noong 1851 bilang pangalawa sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda. Idolo siya ng nakababatang kapatid, si Jose Protacio Mercado Rizal. Ang mga payo niya ang naging gabay ni Jose sa kanyang paglaki.
Bilang pinakamatandang lalaki sa mga magkakapatid, siya ang namahala sa kanilang kabuhayan. Katulad ng tradisyunal na papel ng panganay na lalaki sa pamilyang Pilipino, si Paciano ang nagsilbing gabay sa iba pa niyang mga kapatid. Sang-ayon sa mga literaturang pangkasaysayan, siya ang naghatid kay Jose noong unang araw niya sa eskwela. Napakahalaga ng kanyang paninindigan at pagsusumikap upang maitaguyod ang pamilya, lalong-lalo na noong arestuhin ng mga Kastila ang kanilang ina dahil sa maling paratang.
Ang mga nasusulat tungkol sa buhay ni Paciano ay hindi mayabong sa detalye. Ang mga salaysay tungkol sa kanyang buhay ay kalimitang naka-angkla sa mga pangyayari sa buhay ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Gayunman, ang mga maliliit na bagay na nasulat tungkol sa kanya ay nagpapakita ng napakahalagang papel na ginampanan niya sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Nang dahil kay Paciano, naipagpatuloy ni Jose ang kanyang pag-aaral at nalampasan ang mga problema na kaakibat nito. Sang-ayon sa kasaysayan, si Paciano ang tumulong kay Jose upang siya ay matanggap sa Ateneo de Manila noong 1872 sa kabila ng pagiging huli nito sa pagpapalista sa nasabing unibersidad at sa kanyang napakabatang edad. Siya rin ang tumulong kay Jose upang makapagpatuloy ng pag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
Si Paciano ay isang mag-aaral ng kasaysayan. Hindi ng teorya nito kungdi ng tunay na mga karanasan ng kasaysayan. Noong ika- 17 ng Pebrero, 1872, nasaksihan niya ang pagbitay sa mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Kaibigan niya si Padre Burgos na isang dati niyang guro. Habang isang mag-aaral, hindi nagkibit balikat si Paciano sa pang-aabusong ginagawa ng mga Kastila. Ito ang dahilan kung kaya’t binigyan siya ng mga gurong prayle ng bagsak na grado.
Sa mga kwento ni Paciano tungkol sa ipinaglalaban ng guro niyang si Padre Burgos, nabuksan ang isipan ni Jose sa realidad ng lipunan.
Sukdol sa langit ang pagmamahal ni Paciano sa nakababatang kapatid. Malaki ang kanyang pagtitiwala sa kakayahan at talino nito. Kaya nga, hindi nakapagtataka na kahit ang paborito niyang kabayo ay kinailangan niyang ibenta upang mapadalahan ng pera si Jose para sa kanyang mga gastusin sa pag-aaral. Nang isulat ni Jose ang El Filibusterismo, inialay niya ito sa alaala ng tatlong paring martir. Ang aklat na ito ay naisulat ni Jose dahil sa mga kuwento ni Paciano tungkol sa Gomburza.
Sinasabing noong mamatay si Jose, iniwan ni Paciano ang buhay bilang haligi ng pamilya upang sumali sa himagsikan. Dahil sa kanyang kakayahan at kagitingan, naabot niya ang ranggong Heneral sa hukbo ni Emilio Aguinaldo.
Ito si Paciano. Ang mga pahinang kasaysayan ay naglarawan sa kanya bilang mapagmahal na kuya at magiting na tao. Isa siyang pangkaraniwang tao sa di pangkaraniwang panahon at isang di pangkaraniwang tao sa karaniwang panahon. Subalit, ano nga ang tunay na pagkatao ni Paciano? Sino Si Paciano? Dapat bang kilalanin siyang isang dakilang bayani, hindi bilang kapatid ni Jose Rizal ngunit bilang isang Paciano na may sariling katauhan, kagitingan at mahalagang ambag sa kalayaan at pagkamulat ng sambayanang Pilipino?
Inaanyayahan ng Adbokasiya! ang mga kabataan, guro, magsasaka, manggagawa at lahat ng mamamayan na kilalanin si Paciano. Hanapin natin si Paciano. At kung siya ay ating masumpungan, at maging karapat-dapat sa pagkilala, isulong natin ang pambansang pagkilala sa isang Paciano…Kuya Paciano, ang simbolo ng pagpapakasakit para sa layuning higit sa sarili!
Ma. Jessica Minas
Friday, October 16, 2015
Josephine Bracken Early Life
Marie Josephine Bracken Leopoldine Bracken was
born on August 9, 1876 in Victoria, Hong Kong. She was the youngest
of the five children of an Irish couple who were married on May 3, 1868
in Belfast, Ireland: British army corporal James Bracken and
Elizabeth Jane MacBride. A few days after giving birth to Josephine, her mother
Elizabeth died. Her father decided to give her up for adoption to her childless
godparents, American George Taufer, an engineer of the pumping plant of
the Hong Kong Fire Department, and his Portuguese (second) wife.
Josephine’s real father (James) left Hong Kong after retirement and was said to
have died at the hands of robbers in Australia.
Josephine Bracken: Jose Rizal's Dear and Unhappy Wife
In Jose Rizal's own words, Josephine Bracken is his dear wife. A few year hours before his execution they embraced for the last time and he gave her souvenir- a religious book with his dedication, "To my dear unhappy wife, Josephine."
Josephine as Rizal’s wife
Depending on the reference one is
using, Rizal and Josephine lived together either in Rizal’s octagonal bamboo house. In his letters to his family, Rizal related that
Josephine “turned the house into a love nest, stocking the pantry with
preserves and pickles” . To prove the depiction, the letters were
accompanied by packages of food “prepared by the woman who lives in my house”.
Josephine kept house and took good
care of “Joe,” her nickname for Rizal. She “cooked, washed, sewed, and fed the
chickens. She learned to make suman (a sticky rice dessert wrapped in banana
leaves), bagoong, noodles, and bread. With the Spanish she learned from Rizal,
she could write a simple letter. His [Rizal] nephews called her ‘Auntie’” (Bantug,
p. 120).
To his mother, Rizal described
Josephine as “good, obedient, and submissive … We have still to have our first
quarrel, and when I reprove her she does not talk back.”
Wednesday, October 14, 2015
Isang Kritikal na Pagtalakay sa Retraction Letter ni Dr. Jose Rizal
Isa sa mga natutunan ko sa pag-aaral sa unibersidad na ito ay dapat laging maging kritikal sa mga bagay bagay. Hindi dapat na basta nalang tinatanggap ang kung ano mang bagay na sabihin. Gayun pa man, ang sulating ito ay tatalakay ng parehong panig kung totoo nga ba ang retraksyong ginawa ni Rizal isang araw bago siya barilin sa Bagumbayan.
I declare that I am a Catholic, and in this religion, in which I was born and educated, I wish to live and die.
I retract with all my heart anything in my words, writings, publications and conduct that has been contrary to my character as a child of the Church. I believe and profess what it teaches. I submit to what it demands. I abominate Masonry as an enemy of the Church and as a society prohibited by it.
The Diocesan Prelate, as the superior ecclesiastical authority, may make this manifestation public. I declare this spontaneously, in order to repair any scandal which my acts may have caused and so that God and man may pardon me.
Manila , December 29th, 1896.
Jose Rizal
I retract with all my heart anything in my words, writings, publications and conduct that has been contrary to my character as a child of the Church. I believe and profess what it teaches. I submit to what it demands. I abominate Masonry as an enemy of the Church and as a society prohibited by it.
The Diocesan Prelate, as the superior ecclesiastical authority, may make this manifestation public. I declare this spontaneously, in order to repair any scandal which my acts may have caused and so that God and man may pardon me.
Jose Rizal
(Zaide,1961)
Ayon sa akdang “The Pride of the Malay Race: A Biography of Dr. Jose Rizal” may mga pangyayari sa kasaysayan na salungat sa sinasabing retraksyon na ginawa ni Jose Rizal.
Una, ang dokumento ng retraksyon ay itinago ng pagkahaba habang panahon at walang iba kundi ang mga autoridad lamang ang may karapatan na tumingin at makakita nito. Inilabas nga ito sa dyaryo ngunit wala itinago naman ang pinaka orihinal.
Ikalawa, nang hingin ng mga malapit na kamag-anak ni Rizal ang dokumento pati ang dokumento na nagpapatunay ng kasal ni Jose Rizal at Josephine Bracken ay hindi nila ito ibinigay pareho.
Ikatlo, kung sakaling totoo man ang retraksyon ay kinuwestiyon ni Ozeta (1949) kung bakit hindi pa rin binigyan ng magandang lamay si Rizal kasama ang kanyang mga malapit na kamag-anak at sa halip ay sa mga malapit lamang na kaibigan ng mga prayle ito inilagi bago ito ilibing.
Pang-apat, walang ni isang katoliko na makapagpatunay na ang lamay ay dinaluhan ng mga iba pang Katoliko.
Panlima, hindi tinuturing na isang Katolikong Sementeryo ang pinaglibingan kay Rizal at ang lugar na pinaglibingan sa kanya ay hindi man lamang nilagyan ng Krus sa ibabaw at tanging ang kanyang mga malapit an kamag-anak ang nakakaalam sa lugar.
Pang-anim, ang pangalan ni Jose Rizal sa listahan ng mga namatay noong Disyembre 30, 1896 ay hindi kasama at ito ay nasa isang especial na pahina kung saan naroon an gang especial na utos ng mga awtoridad. Kasama ni Rizal sa listahan ay ang isang taong hindi na makilala dahil sa ito ay namatay sa pagsunog sa kanyang katawan at ang isa pang lalaki na namatays sa pagpatay sa sarili. Kung tutuusin, gusto ipakita dito ni
Ozaeta na ang mga kasam ni Rizal sa listahan ay ang mga hindi Katoliko at ang mga ito ay mga namatay sa mga di maganadang kaparaanan at isa pa ang mga ito ay hindi nabigyan ng Kristiyanong libing.
Pangpito at ikahuli, sinabi rin ni Ozoeta sa kanyang akda na walang dahilan o motibo na maaaring maging dahilan ng retraksyon ni Rizal. (Ozoeta, 1949)
Ang mga argumentong ipinakita ni Ozoeta sa akdang ito ay mahina kung ikukukmapara sa akda ni Jose Hernandez na nagpapakita ng mga ebidensya.
Ang unang ebidensya na ipinakit ni Hernandez ay ang sinasabi niyang sa batas ay ang pinakamatibay rin na ebidensya. Ito ay ang mismong dokumento. Hindi lamang basta naglalaman ang dokumento ng pirma ni Rizal kundi ang buong dokumento ay naglalaman ng sulat kamay ni Rizal. Ang dokumento rin ay napag-aralan na ng mga eksperto. Isa sa mga ito ay sina Dr. Jose Del Rosario na ayon sa kanya ang dokumentong ito ay totoong sulat at pirma ni Rizal. Dahil sa Katoliko at taga-Ateneo si Dr. Del Rosario ay walang duda na pagdududahan ng pag-aaral na ginawa niya sa dokumento kung wala ba itong kinikilingan. Ang isa pa sa mga nag-aral ukol sa dukumento ay si Professor Otley Beyer na isang propesor, hindi taga-Ateneo at hindi rin siya isang Katoliko. Mainam sana ang pagkakabasi ni Hernandez na sumang-ayon sina Teodoro Kalaw, isang Mason at hindi Katoliko; Dr. Bantug at Dr. Leoncio Lopez Rizal, pamangkin ni Jose Rizal ngunit hindi naman sinabi ni Hernandez kung paano nasabi ng mga ito na orihinal talaga ang dokumento. Ngunit binanggit din nya si Austin Craig, isang kilalang historiyador, n anoon pa lamang 1912 ay gumawa na ng pag-aaral ukol sa retraksyon at sumang-ayon na orihinal nga ang naturang dokumento.
Ang ikalawang ebidensya na ipinakita ni Hernandez ay sinabi niyang direktang ebidensya. Ito ay ang testimoniya ng mga taong sinasabing nakasaksi nang ginawang retraksyon ni Rizal. Ang mga ito ay sina Father Viza, Fr.Pio Pi, Fr. Silvino Lopez Tunon, Archbishop Bernardino Nozaleda Gen. Rafael Dominguez, Fiscal Gaspar Castaño, Father Rosell, Father Vicente Balaguer, Luis Taviel De Andrade at Father Tomas Feijoo. Sabihin na nating maaring ang mga prayle ay hindi maging kapani-paniwala ang testimonya dahil sa prayle sila at maaring may maitim na dahilan at plano ang mga ito. Sinabi rin ni Hernandez na hindi dapat ganun ang pagtingin sa testimonya ng mga prayle bilang isang Kristiyano at katoloko dahil kung hindi sila papaniwalaan ay sino pa ang maaaring paniwalaan. Sa kabilang banda, mayroon din namang mga hindi prayle tulad nalang nila Gen. Rafael Domiguez, Fiscal Gaspar Castaño at Luis Taviel De Andrade.
Ang huling ebidensya na ibinigay ni Hernandez ay ang tinatawag niyangcircumstantial na ebidensya.
Ayon sa kanya ang buong retraksyon ay inilathala sa dyaryo kinabukasan ng pagkakapatay kay Jose Rizal. Pinagtibay niya ang argumento na nabasa naman daw ito ng mga kaaway ng simbahan, ng mga mason, ngunit wala namang mga reklamo na narinig mula sa kanila. Maaring ang mga ito ay naniniwala sa retraksyon na ginawa ni Rizal at wala naman kailangang kuwestiyunin. Kahit ang mga kaibigan ni Rizal ay wala ring nagprotesta pagpapatibay pa uli ni Hernandez.
Isa pang ebidensya na ipinakita ni Hernandez ang nagpatibay at nakatulong na lalo pa ako maniwala sa retraksyon na ito ni Rizal ay ang pamphlet na ipinamigay noong February 28, 1897, ilang buwan makalipas ang retraksyon ni Rizal. Ito ay pinamagatang “La Politico de España en Filipinas” nakapaloob dito ang retraksyon ni Rizal kabilang ang sa iba pa na tulad ng kina Francisco Rojas, Ramon Padilla, Luis Villareal, Fustino Villareal, Moises Salvador, Jose Dizon, Antonio Salazar, Geronimo Cristobal, Medina, at General Antonio Luna.
Sumasang-ayon ako kay Hernandez na kung gawa gawa lang ang retraksyon ni Rizal ay hindi na kailanagan pang lokohin ang retraksyon na ginawa ng iba. Ipinapakita lamang dito na possible talaga na ang sulat na ginawa na iyon ni Rizal dahil hindi lamang siya at marami rin ang sumunod sa kanya o nagkataon na gumawa rin ng kanilang mga retraksyon na sulat laban sa Mason.
Ang panghuli na bibigyan ko ng diin ay ang pagkakakasal ni Jose Rizal at Josephine Bracken sa umaga ng bago siya patayin na may ebidensya ng parehong direkta at circumstantial. Ito ay sinabi ni Josephine Bracken at ng paring nagkasal sa kanila pati ng ilang saksi. At isa pa, sa libro ni Kempis na pinamagatang “Imitation of Christ” ay tinawag ni Rizal si Josephine na “To my dear and unhappy wife”. Sa ibang akda sinasabing di kapanipaniwala ang mga testimonya ni Josephine pero kahit ano pa amn ay naniniwala ako sa retarksyin an ginawa ni Rizal.
Isa pa sa mga napapansin ko sa mga pelikula ay mayroong rosario si Rizal sa kamay bago ito mamatay.
Sumasang-ayon ako kay Locsin 1978 na matalino si Rizal ngunit alam ni Rizal na ang talino niya ay hindi makapagliligtas sa kanya pero binigay parin sa kanya iyon ng Diyos. Alam ko din na naniniwala si Rizal sa Diyos ngunit ayaw niya ng sistema ng mga prayle hindi ng sistema ng Diyos. Kaya tulad nga rin ng nabanggit ni Locsin, nais ni Rizal na mahanap ang daan patungo sa Diyos sa kanyang kaparaanan ng hindi dumadaan sa mga mapanirang mga prayle.
Hindi naman nakakabawas sa pagkatao, pagka-Pilipino at pagkabayani ni Rizal ang retraksyong ito na ginawa niya. Sa kabilang buhay ay hindi naman siya ililigtas ng mga isinulat niya at ng talino niya.
Kung susuriin din mismo ang kanyang liham ay ang mason lamang naman ang kanyang binibitawan hindi ang kanyang pagiging nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Nagawa na niya ang mga dapat niyang gawin para sa bayan at ginawa niya ang retraksyon para sa kaniyang sarili. Para sa kanyang buhay sa kabilang buhay.
Kahit sa huling hugto ng kanyang buhay ay ipinakita pa rin niya ang pagiging isang ehemplo kaya naman marimi ang sumunod sa kanya na gumawa ng sulat ng retraksyon sa mason.
Matalino si Rizal, alam niyang may Diyos, maaaring ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit panatag na ang kalooban niya simula ng gumising siya sa araw na yaon ng pagbitay sa kanya. Ito ay dahil sa inilagak na niya ang kanyang buhay kay Hesus at ganon din para sa bayan.
Friday, October 9, 2015
Rizal
Si Rizal ay isang pinakadakilang tao na isinilang di lamang sa kanyang bayan kundi maging sa ibang bayan, mapa-ibang bansa man o saan man. Ang alaala niya ay hindi mapapantayan ng kahit sino man lalo't higit sa kanyang Mahal na Inang-Bayan. At ang mga susunod na salin lahi ay buong tapang at galang na babanggitin ang kanyang tanyag na pangalang RIZAL.
Angking galing at talino ni Rizal
Ang pagkatao at buhay ni Rizal ay karapat-dapat lamang na pag-aralan, hindi lang dahil sa siya ay naging bayani kundi dahil dahil sa kanyang mga nagawa para sa bayan. Tatlumpu't limang taon siyang nabuhay at nalibot niya ang daigdig. Sa kanyang paglilibot marami siyang natutunan at napag-aralan. Siya ay naging isang manggamot, manunulat, nobelista na kung saan nakapagsulat siya ng iba't-ibang natatanging nobela gaya na lamang ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, naging mahusay na guro at kung ano ano pa. At sa kanyang angking talino't galing at may paninindigan ay hindi matatawaran ang lahat ng kanyang ginawa para sa Bayan.
Pagmamahal ni Rizal sa Pamilya or pagiging isang RIzal
Ang pagkatao at buhay ni Rizal ay karapat-dapat lamang na pag-aralan, hindi lang dahil sa siya ay naging bayani kundi dahil dahil sa kanyang mga nagawa para sa bayan. Tatlumpu't limang taon siyang nabuhay at nalibot niya ang daigdig. Sa kanyang paglilibot marami siyang natutunan at napag-aralan. Siya ay naging isang manggamot, manunulat, nobelista na kung saan nakapagsulat siya ng iba't-ibang natatanging nobela gaya na lamang ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, naging mahusay na guro at kung ano ano pa. At sa kanyang angking talino't galing at may paninindigan ay hindi matatawaran ang lahat ng kanyang ginawa para sa Bayan.
Pagmamahal ni Rizal sa Pamilya or pagiging isang RIzal
Ang pagiging isang Rizal ay hindi mahirap sa bawat mamamayang Pilipino. Maaaring ang bawat isa sa atin ay maging isang tulad ni Rizal. Tulad na lamang ng lubos na pagmamahal ni Rizal sa kanyang pamilya na kahit anong mga pagsubok ang pagdaanan ay nananatiling matibay ang samahan lalo na noong araw na si Rizal ay papatayin at tunay namang kahanga-hanga ang ipinakitang pagmamahal ng bawat isa sa kanila lalo na si Rizal. Ganoon rin tayo, kahit ano pa mang mithiin ay kayang-kaya rin nating matamo dahil mayroon tayong iba't-ibang natatanging kakayahan at lakas upang magawa ang lahat ng ito kagaya na lamang ng ipinamalas ni Rizal na angking galing at talino sa kahit anong larangan.
Subscribe to:
Posts (Atom)